Kami po ang grupo ng mga kabataang Pinoy volunteers mula sa iba't-ibang probinsiya ng bansa mula Batanes hanggang Tawi-Tawi na matapang na naglayag sa Pag-Asa island sa Kalayaan Island Group sa Spratly noong December 2015 hangang January 2016. Kami ay mapayapang naglayag at nanawagan ng pagkakaisa sa kabila ng pagpigil at pagharang ng sariling gobyerno na siyang ating mismong tinutulungan. Hindi dahilan ang kamusmusan ng edad para paglingkuran ang bayan laban sa pananakop ng dayuhan. Tayo ay patuloy na maglalayag at magmamatyag!
Mga kababayan, samahan ninyo kami na panindigan ang ating kasarinlan.
Magsama-sama tayong ipaglaban ang ating kinabukasan. Huwag hayaang
tuluyang sakupin at agawin sa atin ang ating karagatan. Teritoryo
ipaglaban, kasarinlan panindigan! Ito ang panahon na tayo ay mag-kaisa
para sa ating bayan!
Mabuhay ang Pilipino! Mabuhay ang Pilipinas!
Mabuhay ang Pilipino! Mabuhay ang Pilipinas!